Kasama sa unang batch ng k-12 ang pitong daan at apat na mag-aaral na nagtapos ng senior high school nitong April 6 sa Juan R. Liwag Memorial High School sa Gapan City.

Nagmartsa ang pitong daan at apat na estudyante sa pagtatapos ng Senior High School sa Juan R. Liwag Memorial High School sa Gapan City.
Ayon sa mga guro ng nasabing paaralan, malaki ang naitulong ng dagdag na dalawang taon sa mga estudyante upang mahasa ang kanilang mga kakayahan at makapaghanda ang mga ito sa hamon ng buhay.

Ipinahayag ni Erika Tolentino, Top 1 mula sa ABM Strand ang kanyang talumpati sa Senior High School graduation ng Juan R. Liwag Memorial High School.
Pahayag din ng ilang mga mag-aaral, natulungan sila ng k-12 upang maging handa at matiyak ang kanilang mga desisyon sa pagpasok ng kolehiyo.
Dagdag pa ng punong guro na si Wajavina Catacutan, ang mga estudyante na nasa ilalim ng Technical Vocation and Livelihood Strand ay nahubog na pagdating sa aktwal na paggawa kaya naman kung wala na itong kakayahang magkolehiyo ay maaari na itong sumabak sa pagtatrabaho.
Ayon pa rito, magkakaroon ng Basic Education Exit Assessment upang malaman kung tunay nga bang handa na ang mga k-12 graduates.

Dumalo bilang guest speaker ang Housing and Urban Development Coordinating Council Undersecretary Falconi Millar sa pagtatapos ng Senior High School sa Juan R. Liwag Memorial High School.
Samantala, dumalo naman bilang guest speaker sa naturang pagtatapos ang Housing and Urban Development Coordinating Council Undersecretary Falconi Millar na graduate rin ng Juan R. Liwag. Nag-iwan ito ng mensahe sa mga mag-aaral na huwag magkaroon ng takot sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay. –Ulat ni Irish Pangilinan