Planong gawing Farm Tourism ng Nueva Ecija Visitors Association at Tourism Officers ng Region 3 ang lalawigan na tinaguriang Rice Granary of the Philippines.

Tinalakay sa kauna – unahang Farm Tourism Congress ng Region III ang plano na lalong mapaunlad ang farm tourism sa lalawigan ng Nueva Ecija na ginanap sa Nueva Ecija Convention Center, Palayan City, noong April 30, 2019.

Ito ay dinaluhan ng mga Provincial Agriculturists, Tourism Officer, mga eskwelahan, Farm owners, Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang stakeholders sa rehiyon.

Ang Nueva Ecija ang tinaguriang Rice Granary of the Philippines, ang probinsya na inaasahang makapagbibigay ng mas maraming produktong pagkain sa Central Luzon at maging most farm tourism sa buong Pilipinas.

Sa panayam kay Provincial Tourism Officer Atty. Jose Maria Ceasar San Pedro, hiling nito na sana ay maengganyo pa ang maraming farm owners na gawing farm tourism ang kanilang mga bukirin.

Ayon naman kay Doctor Ramon Laderas, President of Nueva Ecija Visitors Association, na hangad din ng naturang Congress na magbigay kaalaman sa mga Agriculturists Students na pahalagahan at pagyamanin ang mga bukid upang maging Tourist Destination sa hinaharap.

Para kay Kenneth Caoile De Gracia, Director for Training ng Costales Farm, ang pagtitipon ng mga opisyal sa agrikultura ay isang instrumento upang palakasin ang samahan ng mga Farm Tourism Officer sa Central Luzon.

Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga kaalaman, talento at abilidad ng mga farm stakeholders ay inaasahan na mas mapapaunlad ang sektor ng pagsasaka sa Nueva Ecija na itinuturing na Rice Granary of the Philippines at tuluyang maiangat ang turismo ng probinsya sa pamamagitan ng pagdagsa ng mga turista at paglaki ng kita ng mga mamamayan. –Ulat ni Joice Vigilia/Jovelyn Astrero