
Wagi sa ginanap na Women’s Month Celebration Dance Competition 2019, noong Huwebes, March 21, ang grupo ng mga kababaihan mula sa bayan ng Jaen.
Nagtatalon sa tuwa ang grupo ng mga kababaihan mula sa bayan ng Jaen nang tanghalin sila bilang kampeon sa Dance Competition na isinagawa sa Auditorium Old Capitol, Cabanatuan City kasabay ng pagdiriwang ng taunang Women’s Month Celebration sa lalawigan.
Nakatanggap ang grupo ng tropeyo at cash prize na nagkakahalaga ng samapung libong piso.

Ayon kay April na miyembro ng grupo mula sa bayan ng Jaen, sinabi nito na nagbunga ang lahat ng kanilang pagod at pag-eensayo, dahil nakuha nila ang kampeonato.
Kahit na nagkaroon ng kaunting technical error sa kanilang tugtog ay tuloy pa rin sa pag indak ang grupo upang maipakita sa lahat kung gaano sila kadeterminadong manalo sa kompetisyon.
Anila, nagpapasalamat sila sa PSWDO o Provincial Social Welfare and Development Office at KALIPI o Kalipunan ng Liping Pilipina Nueva Ecija Chapter dahil nabigyan sila ng pagkakataon na i-share ang kanilang talento at makapagbigay ng kasiyahan sa iba.
Masayang masaya rin ang grupo ng mga kababaihan mula sa bayan ng San Isidro dahil nakuha nila ang ikalawang pwesto at nakatanggap ng cash price na halagang walong libong piso at tropeyo.

Inanyayahan din ni Margie Salicsic mula sa grupo ng bayan ng San Isidro, ang ibang kababaihan na lumahok at makiisa sa mga pagdiriwang tulad na lamang ng Women’s Month.
Habang nasungkit naman ng mga kababaihan mula sa General Natividad ang ikatlong pwesto at nakapag-uwi sila ng thropy at cash price na halagang pitong libong piso.
Samantala, ayon naman kay KALIPI President ng Nueva Ecija chapter na si Elvie Caparangca, sinabi nito na ang naturang selebrasyon ay para ipaalala sa mundo na ang kababaihan ay hindi lamang pambahay dahil maraming kakayanan ang mga babae na pwedeng ipagmalaki.

Aniya, bukod sa event na ito marami pang mga aktibidad ang nakalaan para sa mga kababaihan na ibibigay ng KALIPI Incorporation at Pamahalaang Panlalawigan tulad ng Developmental Exposure, Livelihood Programs at mga Seminar.
Nanawagan din Caparangca sa iba pang kababaihan na sumali sa mga ganitong uri ng aktibidad na sa gayon ay ma-enjoy at makasama nila para magsaya. -Ulat ni Shane Tolentino/Lerie Sabularce