Na–promote sa mas mataas na ranggo ang dalawang daan at pitongpu’t dalawang kapulisan sa lalawigan ng Nueva Ecija sa ginanap na Mass oath taking at Pinning of Ranks.

Umaabot sa dalawang daan at pitong put dalawang pulis sa lalawigan ng Nueva Ecija ang nakatanggap ng promotion noong March 25, 2019 na ginanap sa NEPPO Gym, Burgos Avenue, Cabanatuan City.

Ayon kay Police Senior Inspector Jacquiline Gahid Public Information Officer ng NEPPO, ang promotion ng mga kapulisan ay may kaakibat na responsibilidad upang gampanan ang mga tungkulin.

Ang 272 police officers na promoted ay binubuo ng dalawang SPO4, labing-lima sa SPO3, dalawampu sa SPO2, dalawangpu’t anim sa SPO1 at dalawang daan at siyam naman na PO3.

Ang mga bagong na–promote na opisyal sa ilalim ng 1st Semester Calendar Year 2019, 2nd level Regular Promotion Program ay naipasa ang mga Qualification Standards para sa promosyon sa susunod na ranggo pagkatapos sumailalim sa masusing screening neuro – psychiatric examination, panel interview at drug test.

Samantala, mula sa labing walong aplikante ay maswerte ang dalawang Police Officer ng Nueva Ecija na mapabilang sa mga itinaas na ranggo ng Regional Police Office.

Ito ay sina Police Chief Inspector Rodolfo Rancho ng Licab Station at Police Major Gemma Lomboy ng Admin Branch ng NEPPO.

Masaya aniya sila sa pagkakapasa dahil limitado lamang ang bilang ng mga nabibigyan ng mas mataas na posisyon sa Rehiyon.

Bago ma–promote ang mga kapulisan kinakailangan ng dalawa hanggang tatlong taon sa serbisyo at sasailalim sa schooling tulad ng Senior at Junior Leadership Course. -Ulat ni Joice Vigilla/Danira Gabriel