LEGAZPI CITY – Muling nagpaliwanag ang pagiging epektibo na nang dagdag na kontribusyon para sa mga miyembro ng Social Security System (SSS) simula sa buwan ng Abril.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Jeanette Mapa, tagapagsalita ng SSS Legazpi Branch, mula sa dating 11 percent, magiging 12 percent na ang buwanang kontribusyon ng SSS members ito ay kaugnay sa umiiral na Republic Act 11199 o ang Social Security Act of 2018.
Ayon kay Mapa, nilalayon ng naturang hakbang na mapalakas ang fundlife ng SSS na una nang pinangambahang malulugi pagdating ng taong 2026.
Read more at http://www.bomboradyo.com/fundlife-ng-sss-mapapahaba-pa-sa-dagdag-na-kontribusyon-simula-sa-abril/