Ginunita sa ika isandaan at dalawamput dalawang Pre anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines ang katapatan at kagitingan ng mga Sundalo noong March 16, 2019 na ginanap sa 4th floor SM City Cabanatuan.

Ang pre-anniversary na aktibidad ng AFP ay upang igalang ang kabayanihan at sakripisyo ng mga sundalo habang ginagawa nila ang kanya – kanya nilang mga tungkulin.

Sama – samang nakiisa sa nasabing okasyon na may temang “Serving the People,Securing the Land”ang mga kasundaluhan, shoppers at sibilyan.

Ayon kay Lieutenant Colonel Ulysis V. Laude ang selebrasyon na ito ay para sa pagunita ng katapatan at kagitingan ng mga sundalo.

Pahayag pa ni Laude kaya isinasagawa nila ang kanilang pre – anniversary para ipakita na hindi lang wired fighting ang talento ng mga sundalo kundi magaling din sila magpasaya ng tao at upang maging inspirasyon din sa iba pang kabataan na maging parte ng AFP.

Katulad na lamang ng ipinakita at ipinamalas ng 7 Infantry Division Peace Jammers Band na kung saan inawitan ng Original Compost na SUNDALO at SUNDALO AKO ang mga bisita.

Nagpamalas naman ng galing sa Beatbox si Private First Class Mike Corpuz  na nagbigay saya at inspirasyon sa mga manunuod. Joice Vigilia/ Amber Salazar