Kumpiyansa ang ilang kongresista na bago matapos ang session ng Kongreso ay maipapasa na sa Kamara ang panukalang batas na gawing legal ang paggamit ng medical marijuana.

Ito’y matapos na aminin ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na gumagamit siya ng marijuana-based pain patch bilang remedyo sa kanyang cervical spine tuwing nasa ibang bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Isabela Rep. Rodito Albano na malaking balakid pa rin ang pagkakaiba ng paniniwala ng mga taong hinggil sa gamot lalo na’t may mga naniniwala na wala itong dulot na tulong medikal sa may sakit.

Sa kabila nito, tiwala raw ang kongresista na hindi na maantala ang pagpasa ng House Bill 6517 (Compassionate And Right Of Access To Medical Cannabis Act) na ngayon ay nasa ikalawang pagbasa na.

Read more: solon/http://www.bomboradyo.com/legalisasyon-ng-medical-marijuana-mapapadali-dahil-sa-pahayag-ni-speaker-gma-solon/