Personal na iniabot nina gov. Czarina “Cherry” Umali, Atty, Aurelio “Oyie” Umali, Doc Anthony Umali, Bokal Macoy Matias at Darrel Morales ang pitong daan at dalawampu’t tatlong lata ng binhi ng sibuyas sa mga magsasaka ng bayan ng Gabaldon, Laur at General Natividad.

Ang ayuda ay mula sa Department of Agriculture (DA) katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng Rehabilitation Program sa mga magsasakang naapektuhan ng Army Worms noong nakaraang dry season.

Ayon sa Ina ng Lalawigan, ang mga nakatanggap ng libreng binhi ay ang mga magsasaka na hindi naabot ng pamamahagi ng mga Munisipyo. Layunin ng Provincial Government, na mabigyan ang lahat ng nangangailangan na mamamayan.

Binigyang diin naman ng Ama ng Lalawigan Atty. Aurelio “Oyie” Umali, na walang pipiliin sa pamamahagi at ang bawat isa ay paglilingkuran ng may malasakit na pagseserbisyo para sa lahat ng Novo Ecijano.

Binanggit ni Doc Anthony Umali at Bokal Macoy Matias na ang pamamahagi ay simula lamang ng mga biyaya pang darating para sa mga magsasaka.

Kaya naman, lubos na pasasalamat ang naging tugon nang isang tulad ni Nestor Novilla ng Gabaldon, na nalugi ng halos P100,000 sa nakaraang taniman.

Ayon kay Provincial Agriculturist Serafin Santos, ang mga magsasakang nabigyan ng libreng binhi ay ang bumuo ng dalawang libong benepisyaryo na nauna nang nakatanggap ng ayuda mula sa DA at Provincial Government. –Ulat ni Danira Gabriel