MANILA, Philippines — Simula ngayong taon, hindi na papatawan ng tax ang Christmas bonus, 13th month pay at iba pang insentibong hindi lalampas sa P90,000 alinsunod sa Republic Act 10963.
Ayon kay Sen. Sonny Angara, awtor ng naturang batas, buung-buo nang maiuuwi ng mga empleyado sa pampubliko at pribadong tanggapan ang kanilang bonus sa kani-kanilang pamilya, at tiyak na makadaragdag ito sa panggastos para sa Kapaskuhan at bagong taon.
Matatandaan na noong 2015, si Angara ang unang nagsulong na ilibre sa buwis ang 13th month pay at iba pang benepisyo na ‘di tataas sa P82,000.
Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/11/15/1868684/bonus-13th-month-pay-mas-malaki