Nueva Ecija at 9 LGUs, ginawaran ng Seal of Good Local Governance ng DILG
Ginawaran ng Seal of Good Local Governance ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lalawigan ng Nueva Ecija at siyam na Local Government Unit (LGUs) ngayong araw, November 7, 2018, na ginanap sa Manila Hotel.
Personal na tinanggap ni Gov. Cherry Umali ang parangal kasama ang ilang hepe ng Pamahalaang Panlalawigan.
Ayon sa Ina ng Lalawigan, iniaalay nila ang parangal sa mga mamamayang Novo Ecijano. Makakaasa aniya na lalo pang pag-iibayuhin ang sinumpaang matapat na serbisyo para sa lahat.
Habang nasungkit din ng mga bayan at lungsod ng Talavera, Cabiao, Llanera, Peñaranda, Rizal, San Leonardo, Santa Rosa, San Jose City at Science City of Muñoz ang prestihiyosong award.
—————————————————————————————-
Lalaki, nahulog sa entrapment operation ng Talugtug-PNP
Nahulog sa isinagawang entrapment operation ng Talugtug-PNP ang isang lalaki matapos makuhanan ng mga hinihinalang shabu.
Ang suspek ay kinilala na si Alvin Legaspi y David, trenta’y nuwebe anyos, may asawa at nakatira sa Brgy. Baybayabas Talugtug, Nueva Ecija.
Nakuha sa suspek ang dalawang transparent plastic ng hinihinilang shabu na nagkakahalaga ng P1,200 at ang anim na raang piso na ginamit na marked money.
Ang operayson ay pinangunahan ni SPO1 Gerwin Miranda.
Ang suspek ay kasalukuyang naghihimas ng bakal na rehas sa Talugtug Police Station.