Tuloy-tuloy pa rin ang elimination round para sa men’s at women’s volleyball na sa ika-7 season ng Nueva Ecija Collegiate Sports League o NECSL.
Sa unang laro ng men’s volleyball noong Sabado, Septemeber 28, 2018 na ginanap sa NEUST Sumacab Campus ay hindi pumayag ang NEUST Pheonix na maungusan sila ng OLSCHO sa dalawang set nito sa iskor na 25 – 10 at 25 – 10.
Sa second game naman ay hindi rin nakahabol ang OLFU sa dalawang set kontra sa WU-P Riders sa iskor na 25 – 11 at 25 – 14.
Umariba naman ang CLSU Green Cobras sa Game 3 versus ELJMC Hawks sa iskor na 25 – 10 at 25 – 9.
At bagaman dikit ang laban ay hindi na nagpatalo ang CLSU sa ika-apat na laro kontra NEUST sa dalawang set nito sa iskor na 25 – 20 at 25 – 21
Sa ikatlong araw naman ng elimination round para sa women’s volleyball, unang nagtapatan ang CIC Kings at CRT Blue Fox na umabot sa tatlong set.
Dikit ang first set pabor sa CIC sa iskor na 25 – 21, tinambakan naman ng CRT ang CIC sa iskor na 25 – 9 sa second set ngunit sa huli ay CIC pa rin ang pumoste sa iskor na 15 – 12.
Sa Game 2 ay sinigurado ng MVGFC Ambassadors ang kanilang panalo sa dalawang set kontra OLFU sa iskor na 25 – 15 at 19 – 25.
Inilampaso naman ng NEUST Pheonix sa mga manlalaro ng OLSCHO sa ikatlong laro sa iskor na 25 – 7 at 25 – 4.
At para sa last game ay hindi na pinagbigyan ng WU-P riders ang ELJMC Hawks sa dalawang set nito sa iskor na 25 – 14 at 13 – 25.
Para naman sa men’s basketball category na ginanap sa NEUST General Tinio Campus sa kaparehong araw, tinambakan ng CIC Kings ang OLSCHO sa iskor na 41 – 83 habang nakuha naman ng NEUST Pheonix ang pagkapanalo sa araw na iyon kontra WU-P Riders sa iskor na 97 – 87.
Naka-schedule namang magharap ngayong umaga ang OLSCHO kontra CIC, CRT versus MVGFC, OLFU versus WU-P at CRT versus ELJMC sa Women’s Volleyball Category.
Mamayang hapon naman magtatapatan ang CRT kontra WU-P, OLFU versus CIC, MVGFC versus OLSCHO at CIC kontra CLSU sa Men’s Volleyball Category na parehong gaganapin sa NEUST Sumacab Campus mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. –Ulat ni Jessa Dizon