Ginanap kamakailan ang Ground Breaking Ceremony para sa nalalapit na pagpapatayo ng isang planta ng kuryente na nagkakahalaga sa 3.5 Billiong Peso sa bayan ng Cabaio idinaos ang nasabing programa noong September 27, 2018.

Sa naturang ceremony nais ng Integrated Green Technology na magkaroon ng pagkakaiisa at magtulungan upang maisagawa ng maayos ang naturang planta para sa pagunlad at kalinisan sa nasabing bayan.

Ito ay dinaluhan ng Local Government Unit, mga sangguniang baranggay sa Cabaio kasama ang France Embassy na si Ambassador Nicolas Galey, Trade and Economic Councilor of France kinilalang si Mr. Laurent Estrade at sina Mr. Jean Marc Erignoux, Mr. Emmanuel Colombier na mga pangunahing bisita sa seremonyal ng Waste to Energy Plant.

Ayon kay Chief Executive Officer ng Integrated Green Technology Mr. Michael Jimenez, ang Waste Energy plant ay makatutulong sa bawat – isang mamamayan sa bayan ng Cabaio at mapapaunlad ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.

Pabor naman dito ang mga Cabiaowenyo dahil hindi lang para sa Waste Management ang itatayong planta kung hindi pati rin sa pagkakaroon ng enerhiya sa nasabing bayan.

Inaasahang bubuo ang plantang ito ng apat na raan at apat na pung trabaho

Isandaang katao para sa Driver, tatlong daan naman sa Helper, dalawam pu sa Office Staff at dalawampu din sa Equipment Operators.

Sisimulan ang nasabing programa ng IGT company at LGU sa susunod na taon at nasa dalawang taon bago ito matapos.

Batid umano ni Mayor Ramil Rivera ng Cabiao na makakatulong ito sa bayan ng Cabiao, sa mga mamamayan nito , sa kalikasan at mas bababa ang bayad sa elektrisidad kaya naman bilang pasasalamat sa pamamagitan ng programang ipapatayo na planta ng kuryente na magmumula sa mga basura na magbibigay ng kaginhawaan para sa nasasakupan ng naturang bayan.

Kaya naman sisimulan na niya, aniya ang pagpapaunlad sa cabiao sa kanyang termino na kung saan magbibigay ng pag–asa para sa Cabiaowenyo.

https://youtu.be/3IJfnOwSChU