Nagsulong ng panalo sina Filipina Woman Grand Master Janelle Mae Frayna at Woman International Master Bernadeth Galas para akayin ang Philippine women’s team sa 3-1 panalo laban sa Venezuela sa third round ng 43rd World Chess Olympiad sa Batumi, Georgia noong Miyerkules ng gabi.

Dinaig ni Frayna, naglaro sa itim na piyesa, si IM Sarai Carolina Sanchez Castillo mula sa isang 45-move ng Caro-Kann Defense sa top boardĀ  habang tinalo ni Galas si Woman FIDE MasterĀ  Marvia Josefina Alvarado Arcila sa marathon 79-move ng Alekhine sa fourth board.

Nakipag-draw naman sina WIM Catherine Secopito at WFM Shania Mae Mendoza kina WIM Tairu Manuela Rovira Contreras at WFM Corals Patino Garcia sa boards two at three, ayon sa pagkakasunod, para selyuhan ang panalo ng mga Pinay.

Read more : https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2018/09/28/1855275/pinay-chessers-piniga-ang-venezuela