Higit ngayong inspirado ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang kampanya para sugpuin ang aktibidad ng ilegal na droga sa bansa.
Ito’y matapos na makaku-ha ng ‘high satisfaction rating’ ang war on drugs ng pamahalaan, kung saan ang PDEA ang nagsisilbing lead agency.
Tiniyak naman ni PDEA Director General Aaron Aquino na ipagpapatuloy nila ang pagiging agresibo na sugpuin ang illegal drug trade sa Pilipinas.
Nauna rito, lumitaw sa survey ng Social Weather Station (SWS) na majority ng mga Pinoy ay kuntento o satisfied sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga, matapos na makakuha ng “very good” na net satisfaction rating na +65%.
“The recent survey by SWS revealing that Filipinos are satisfied with a war against drugs will serve as an inspiration in the execution of our duties. It also proves that our people trust and support the law enforcement agency like PDEA and PNP, which are in the forefront of the war against illegal drugs,” ayon pa kay Aquino.