Hindi magpapatupad ng price control ang pamahalaan sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mayroong ginagawang hakbang ang gobyerno para mapababa ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.
Aniya, titiyakin ng pamahalaan na magiging sapat ang supply ng mga pangunahing bilihin kasama na dito ang bigas, karne ng baboy at manok sa pamamagitan ng importasyon.
“Ang mangyayari po niyan ay hahayaan lang nating dumami ang supply para bumaba ang presyo. Tinanggal na rin po natin ang special safeguard measures para sa manok,” ani Roque.
https://www.abante.com.ph/palasyo-walang-price-control-sa-presyo-ng-mga-bilihin.htm