Kasabay ng pagdiriwang ng Ika-tatlong dekada ng 7th Infantry Division (7ID) ay binigyang pagkilala ang labing isang sundalo na namatay sa gitna ng labanan mula Setyembre 2017 hanggang Hulyo 2018.
Sa simpleng seremonya na isinagawa sa kampo ng 7ID sa Fort Magsaysay ay inalayan ng bulaklak at binigyan ng 21 gun salute ang mga sundalong nasawi sa giyera.
Ito ay pinangunahan ni 7ID Retired LTGEN Romeo Tolentino.
Ayon kay Tolentino, dapat makilala sa buong bansa ang mga makabagong bayani ng kasalukuyang panahon dahil sa
Katapangan ng mga sundalo na magbuwis ng sariling buhay para sa mapayapang kinabukasan ng mga Pilipino.
Isa-isang binanggit ang pangalan ng labing isang sundalo na nasawi sa labanan kontra terorista.
MGA SUNDALO NA NASAWI:
SSg DEXTER JOHN TAGACAY
Cpl RUSTY GALAN
Cpl JAYSON SABADO
Pfc ABRAHAM LINDO JR
Pfc NESTIE TECSON
Pfc PETER JOHN VILLANUEVA
Cpl JUREL GONATO
Sgt RUBY JAIME
Cpl DONNEL CADANO
Pfc CHRISTOPHER VIDAD
Pfc ROMMEL ANGULUAN
Pinasalamatan din ni Tolentino ang mga sundalong patuloy na nagtatanggol sa kapayapan at kaunlaran sa bayan.
Ibinahagi naman ni 7ID Commander MGEN Felimon Santos Jr ang mga nakamit at napagtagumpayan sa loob ng isang taon.
Kabilang ang 862 nagsipagtapos na mga bagong sundalo at 59 na sumukong mga rebelde.
Isa sa hangad ng militar na bago magtapos ang taon ay maging insurgency free ang lalawigan ng Nueva Ecija. –Ulat ni Danira Gabriel