Dinaluhan ng higit dalawang libong partisipante ang pangalawang taon ng Color Fun Run na ginanap sa Pamilihan ng Bayan ng Bongabon bilang bahagi ng 10 araw na selebrasyon ng Sibuyas Festival 2018.
Ito ay kinabibilangan ng mga mamayan ng Bongabon, agencies, party seekers, zumba goers/lovers, LGBT, maging turista at mga balik-bayan.
Eksaktong alas singko ng madaling araw, sinimulan ang programa kung saan sabay sabay na tumakbo ang mga partisipantes sa kani-kanilang piling kategorya ng takbo sa 1k2k at 5k.
Hinihingal man ay game na game pa din sa masayang karera ang mga kalahok habang sinasabuyan ng colored powder at binabasa ng tubig mula sa fire truck ang bawa’t kilometrong natatapos nito
Ayon kay konsehal Christian Padilla Binuya, na siyang pinuno at isa sa mga organizers ng Color Fun Run, mas malawak ang network nila ngayon kaya masasabi nyang naging matagumpay ito.
Dagdag pa niya, ito ay sumisimbolo ng pagdiriwang ng maganda at masaganang ani ng sibuyas sa Bongabon na mayroong pagkakaisa ang mamayan ng Bongabon.
Matapos ang ilang oras na takbuhan, muling nag ipon-ipon ang mga kalahok para makizumba at makiparty sa mga mahuhusay na Disk Jockey o DJ’s.
Habang sabay-sabay na inihagis paitaas ang colored powder na nagmistulang makapal na hamog saka itinuloy ang kasiyahan
Layunin nito ay upang magsama-sama ang mamayan ng Bongabon para ipadiwang ang magandang ani ng sibuyas sa kanilang lugar na siyang nagsisilbing buhay ng mga tiga-Bongabon, kaya may roong Sibuyas Festival taun taon.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran