Nagsagawa ng Wreath laying Ceremony ang mga pilipinong sundalo, na binubuo ng   CSS o Combat Support School Training and Doctrine Command Students and Staff, at mga beteranong sundalo bilang  pagunita ng ika-76 anibersaryo ng  Araw ng kagitingan  o day of valour sa dating Japanese Concentration Camp na ngayon ay Pangatian Shrine.

Sama samang nag-alay ng bulaklak ang mga sundalong Pilipino bilang pagbibigay-pugay sa mga kabarong sundalo na nag-alay ng kanilang buhay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang naturang Wreath Laying Ceremony ay pinangunahan nina Colonel Mark Edwin Moro Commandant  ng  Combat Support School Training and Doctrine  Command at Lorna Mae Vero, Provincial Tourism Officer ng Nueva Ecija at Panauhing Pandangal ng naturang mahalagang araw, sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sa aming panayam kay Colonel Moro, sa pamamagitan ng pagsasagawa nila ng foot march or freedom march ay maipadama man lamang sa mga Pilipino ang kahalagahan ng makasaysayang lugar bilang pagpupugay sa mga kabarong nagsakripisyo makamit lamang ang kalayaang tinatamasa ng bansa.

Mensahe naman ni Col. Moro sa mga Novo Ecijano partikular sa mga kabataan na huwag limutin ang sakripisyong ginawa ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo para makamit ang kalayaang tinatamasa natin ngayon.

Ayon naman kay Lorna Mae Vero, manatili nawa sa puso lalo na sa puso ng mga   kabataan na hindi lamang  sumabay sa agos bagkus makiisa at

panatilihin ang pagmamahal at pagkilala sa mga bayani nagbuwis ng buhay noon at sa mga bayani ngayong henerasyon.

Ang Araw ng Kagitingan (Filipino for Day of Valour) ay kilala bilang araw ng korehidor o araw ng  Bataan na pumapatak tuwing ika-siyam ng Abril. Ito ay ang pag alala sa pagbagsak ng  Bataan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dito naganap ang makasaysayang martsa ng kamatayan o Death March o sapilitang pagpapalakad sa mga nahuling sundalong Pilipino Amerikano noong Abril 9, 1942 kasama ang mga gerilyang Pilipino para sa labanan sa pananakop ng mga sundalong Hapones.

Pinaglakad mula sa Mariveles, Bataan hanggang sa Camp O’ Donnel sa Capas, Tarlac at ang mga natira ay sa Japanese Concentration Camp. Kung saan sila ay pinahirapan din sa nasabing lugar. Sa pamumuno ng dalawang grupo ng mga  Pilipinong gerilya na pinamumunuan nina Captain Jaun Pajota at Eduardo L.  Joson na binansagang ‘Ghost soldiers’ ay nagkaroon ng sagupaan sa grupo nila at mga amerikano laban sa mga hapon  kung saan naitala din na pinakamatinding labanan at waging operasyon.

Ayon sa  anals of US Military history,  tinaguriang pinaka-succesful rescue mission ang pagpapalaya sa mahigit limang daang  sundalong Pilipino Amerikano  kung saan sa Camp Pangatian sa Cabanatuan ikinulong ng Japanese Imperial Army ang mga sundalo.

At upang iligtas ang mga preso, magkasama itong nilusob ng mga tauhan ng Alamo Scouts At US 6th Ranger Batallion  sa pamumuno ni Lt. Col Henry Mucci.

Tinaguriang “The Great Raid” sa kasaysayan ng US military. Ginawan din ito ng  pelikula noong 2005 kung saan kabilang sa cast si  Cesar Montano bilang Guerilla leader Juan Pajota.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran