mga mananaliksik  na nagmula sa iba’t ibang probinsiya ang dumalo at nakiisa sa taunang Lakbay Palay ng Philippine Rice Research Institute o PhilRice na ginanap kahapon sa PhilRice Central Experiment Station sa Maligaya,  sa Lungsod Agham ng Munoz.

Ang Lakbay Palay ay ginaganap dalawang beses sa isang taon, ito ay sa panahon ng Tag-tuyo o dry season at tag-ulan o wet season, ito ay ilang araw na pag-aaral ng mga magsasaka, at pagtatampok sa mga makabagong teknolohiya ng pagtatanim hanggang sa lawak na saklaw    nito.

Sa aming panayam kay Senator Cynthia A. Villar, Pinuno ng Committee on Agriculture and Food, aniya kailangang maging competitive ang mga magsasaka,   mahalaga din aniya na pag-aaralan ang paggawa ng magandang binhi dahil bumaba ang bilang ng palay sa bansa.

Dagdag pa nito, andiyan siya upang bantayan ang PhilRice at ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization o PhilMech,  na magtuturo sa mga magsasaka kung paano maging mekanisado at maging maalam sa mga makabagong pamamaraan sa pagtatanim, lalo higit ang maging competitive din sa ibang mga bansa partikular sa bansang Vietnam.

Kinakailangan din aniyang kumbinsihin ang mga magsasaka at ang kanilang mga anak na pag-aralan ang patungkol sa pagsasaka. Natutuwa aniya sila na kaagapay ang TESDA upang suportahan  ang mga programa na angkop sa pag-aagrikultura.

Hinikayat pa ng Senadora ang lahat ng mga magsasaka pati  ang kanilang mga anak na mag-aral sa PhilRice at PhilMech upang makasiguro na sila ay maging mekanisado  at makapag-produce ng magandang binhi dahil aniya yan lang ang tanging paraan na magkaroon ng kakayahang kumita at maging kakumpetensiya  pa  ang ibang bansa.

Ang tema ng Lakbay Palay ay nakapaloob sa paggamit ng de kalidad na binhi o mga buto at renewable energy.  Kabilang sa mga aktibidades ay ang pag-iikut- ikot sa lugar, pamamahagi ng mga kaalaman, patungkol sa pagsasaka, onsite expert, pakikipagdayalogo at konsultasyon.

Ang mga makabagong teknolohiya na itinampok ay ang mga sumusunod: public hybrid rice varieties, hybrid rice seed production, wireless sensor network, rice machines, mobile rice husk gasifier, kwebo o typhoon resistant structure, capillarigation, zero-waste pig, goat production, solar-powered smart house, drone study, traditional rice varieties, rice paddy art, at ang organic rice production.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran