
Mga nagwagi bilang Ginoo at Ginang FBSIS 2018 na si G. Roberto De Guzman at Gng. Jennifer Matias suot ang kanilang Casual at Hawaiian Attire
Dahil sa ipinakitang husay at galing sa pagrampa ng sarili at kasuotan at pagsagot sa Question and Answer, napili bilang Ginoong FBSIS 2018 si Roberto de Guzman representante ng mga magulang mula sa Grade 10 at Ginang FBSIS 2018 naman si Jennifer Matias ng Grade 7.
Tinalo nina Ginoong De Guzman at Ginang Matias ang walo pa sa mga kalahok at iniuwi ang ilan sa mga minor at major awards.
Nasungkit ni Ginoong de Guzman ang minor award na Mr. Professional.
Habang si Ginang Matias ay nakuha ang Ms. Photogenic, Netizen’s Choice Award, at Best in Talent.
Samantala, nagwagi naman sa Ginoong FBSIS 2018 bilang 1st runner up si Vhon Wilmer Destor, 2nd runner-up si Camilo Osias Galvez, 3rd runner-up si Reneboy Jamon, at 4th runner up si Michael Villasana.
Nakamit mula sa Ginang FBSIS 2018 bilang 1st runner-up at Best in Casual Attire si Vida Garcia, 2nd runner-up si Marieta Legaspi, 3rd runner-up at Best in Gown si Michelle Bondoc at 4th runner-up si Devilyn Caacbay.
Ang nasabing programa ay binuo para sa preperasyon ng Brigada Eskwela upang mapaghandaan ang mga pangangailangan ng paaralan para sa pagbubukas ng school year 2018-2019 at maipakilala ang kanilang mga stakeholders.
Ayon kay Maria Rowena Constantino, ulong guro ng FBSIS, ang mga nalikom na pondo ay ipagpapagawa ng mga kubo na magsisilbing reading corner at review center ng mahigit tatlong daang mag-aaral ng nasabing eskwelahan.- Ulat ni Shane Tolentino