Pansamantalang inilagak sa loob ng isang araw ang patron ng nagmimilagrong imahe ng Our Lady of Manaoag sa New Capitol Palayan City na ikinatuwa ng mga debotong kawani ng gobyerno.

Pag bungad palang ng mahal na birhen sa pinto kapitolyo ay agad itong sinalubong ng mga empleyado.

Nagkaroon ng mataimtim na misa na pinangunahan ni Father Angelo Fernando.

Ayon sa kanya ang pagbisita ng mahal na birhen ng manaoag ay panawagan ng mga nanampalatayang katoliko sa kanilang lugar.

Inan yayahan din nito ang lahat ng deboto na bumisita sa kanilang simbahan upang magdasal hanggang abente otso.

Sa panayam naman kay Merry Jane Dumlao, isa sa empleyado ng kapitolyo, simula pa ng kanyang pagkabata ay dumadalaw na siya sa manaoag at sinisikap niya na makapunta dito taon-taun.

Anya, napaka gandang blessing sa kanya ang pagbisita ng mahal na birhen dahil malapit na ang kanyang kaarawan.

Pagkatapos ng misa ay sabay na nilapitan at nanalangin ang mga deboto sa Our Lady of Manaoag

Samantala, hanggang alas kwartro lang ng hapon inilagak ang mahal na birhen sa kapitolyo at ibinalik na rin sa parokya ng palayan. -Ulat ni Phia Sagat