Nais din ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa na maipatupad ang “nationwide curfew” laban sa mga menor-de-edad dahil malaki ang maitutulong umano nito sa giyera kontra droga ng pamahalaan.
Ito ay bilang suporta ni dela Rosa sa isinusulong ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Dy hinggil sa implementasyon ng nationwide curfew upang makaiwas sa kapahamakan ang mga minors o kabataan.
Sinabi ni dela Rosa na makakatulong ang pagpapatupad ng nationwide curfew kung maisasabatas ito laban sa paglaganap ng illegal na droga dahilan karaniwan na ang bentahan nito tuwing gabi.
Sinabi ng PNP chief na panahon na para matigil ang paggamit ng mga drug dealers sa mga bata na ginagawang courier ng droga partikular na sa mga computer shops kung saan nakaabang ang mga magpapa-deliver sa mga natatalong gamers.
Base sa panukala ni Dy, isinusulong nito na ipatupad ang curfew sa buong bansa mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga upang maiwasan ang mga krimen at mga aksidente kung saan karaniwan ng biktima ang mga inosenteng kabataan.
Sa ilalim pa ng nasabing panukalang batas, ang mga mahuhuling menor-de-edad ay parurusahan ng community service tulad ng paglilinis sa mga kalye at iba pa.
Nabatid pa na parurusahan din ang mga magulang na hindi madidisiplina ang kanilang mga anak.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran
Silipin ang kabuuang balita sa