Naging makulay ang pagdiriwang ng Valentine’s Day sa College For Research And Technology O CRT.
Ito ay dahil sa kanilang color coding activity kung saan nagsuot ng iba’t ibang kulay ng damit depende sa kanilang relationship status, hindi lamang ang mga estudyante, kundi maging ang mga faculty members at staff ng nasabing paaralan.
Ayon kay Mikee Mobo, Admin and Marketing Officer ng CRT, ang color coding activity ay ang kanilang paraan upang ang lahat, hindi lamang ang may mga kasintahan, ay makasali sa selebrasyon.
Pula ang isinuot ng mga ‘in a relationship’, habang itim naman ang para sa mga ‘bitter’.
Blue naman ang para sa mga ‘single’ at white para sa mga ‘friendzoneD at likezoned’.
Purple naman ang para sa mga ‘umaasa’, habang pink naman ang suot ng mga ‘happily married’.
Orange ang para sa mga nagmu-‘move on’.
Yellow ang para sa mga ‘its complicated’ ang status, habang green naman ang para sa mga walang pakialam o ‘kill joy’.
Ito ang kauna-unahang taon ng color coding activity ng CRT sa pagdiriwang ng Valentine’s Day na inaasahang isasagawa na rin sa mga susunod pang taon. –ULAT NI JANINE REYES