Hinamon ni Gov. Oyie Umali ang mga kapulisan sa pagresolba ng kaso ng pananambang kay Provincial Jail Warden Enrico Campos, sa ginanap na 113th Police Service Anniversary Celebration ng NEPPO o Nueva Ecija Police Provincial Office.
Ayon kay Gov. Umali, magbibigay siya ng Isang Milyong Piso pabuya para sa agarang paglutas ng kapulisan sa kaso ni Campos.
Napatay sa pananambang si Campos ng Riding in tandem, habang pauwi na ito, sakay ang kanyang motorsiklo noong miyerkules ng gabi, August 13. Pinagbabaril ito ng kalibre kwarentay singko, sa kahabaan ng highway ng Mayapyap, Cabanatuan City.
Hindi man nangangako ay gagawin anya ng kapulisan ang kanilang makakaya upang kaagad masolusyunan ang kaso.
Sa katunayan, agaran umano silang nagsagawa ng random inspection sa Provincial Jail. Kung saan, nakakuha sila ng deadly weapons at mga cellphone sa loob.
Isa sa mga anggulo tinitignan nilang pakay sa pagpatay kay Campos ay ang pagiging mahigpit nito sa trabaho.
Bunsod ng sunod-sunod na insidente ng krimen sa lalawigan, lalo pang hihigpitan ng kapulisan ang kanilang seguridad lalo na sa lungsod ng Cabanatuan. -Ulat niĀ DANIRA GABRIEL