Marami ang mga institusyon na kumakalinga sa mga batang inabanduna at nawawala. Isa na nga dito ang Bahay ni San Jose Orphanage sa Brgy. Papaya San Antonio, Nueva Ecija.
Humigit kumulang limangpung mga bata na nasa edad tatlong taon hanggang dalawangpu’t walong taong gulang ang tinutulungan at kinakalinga ng bahay-ampunan na ito. Ilan sa kanila ay mga batang palaboy sa kalye, mga nawala at mga batang my kapansanan.
Ayon kay Sister Irene Panganiban Executive Directress ng Bahay ni San Jose Orphanage na ang lahat ng kanilang pinang gagastos sa araw –araw ay nagmumula sa mga taong bukas-palad na handang tumulong.
Dagdag ni Sister Irene, na malaki ang pinagbabago ng mga bata na kinalinga nila mula ng dumating ang mga ito sa nasabing bahay-ampunan.
At dahil na din sa ilan sa mga bata na ito ay nawala o natagpuan na pakalat-kalat sa kalye ay panawagan ang kanilang hiling na makipag-ugnayan sakanila kung sinuman ang nakakakilala o naghahanap sa mga batang ito ay maaari lang na makipag-ugnayan sa Bahay ni San Jose Orphanage sa numirong 0917-8939-511 o 0920-9678-150 – Ulat ni Joyce Fuentes