Lumubog ang isang fishing vessel na pag aari ng bansang Vietnam sa West Philippine Sea malapit sa Paracel islands nang bombahin ng water cannon at pagba-banggain ng isang Chinese vessel ang nasabing Vietnamese fishing vessel nitong Lunes. Nasa apat na pung mga Chinese vessel umano ang pumalibot sa Vietnamese vessel at binangga umano ito. nakapagpadala pa ng distress call ang Vietnam fishing ship bago ito tuluyang lumubog. Agad naman nirescue ng Vietnam coast guard ang sampung crew ng fishing vessel.

Ayon sa bansang China pinilit umanong mang himasok ang vietnamese fishing vessel sa parte ng dagat na pag aari ng China na naging dahilan ng pag tutunggali ng dalawang bansa at nag resulta nga ng pag lubog ng vietnamese fishing vessel.nangyari ito malapit sa paracel islands kung saan matatagpuan ang oil rig ng bansang China.masyado umanong lumapit sa oil rig ang vietnamese shipping vessel kung saan sinisisi ng bansang china ang bansang vietnam sa nangyaring pag haharap nito.
Dahil dito mas naging mapusok ang laban, ng bansang China at vietnam sa west philippine sea.
Matatandaang sinunog ng mga anti China vietnamese protestants, ang ilang mga Chinese factory sa vietnam ng dahil sa pag buo nito ng oil rig sa paracel islands.
Nakahanap din ng kakampi ang bansang vietnam sa ilan pang bansa na nakakaranas din ng pam ba- braso sa bansang China.
Samantala umapela man ang mga senador sa pagiging lehitimo ng EDCA ay naniniwala pa rin ang pamahalaan ng pilipinas na ito ay may bisa. Sa dalawang court petisyon ang inihain ng opposisyon laban sa edca dahil hindi umano ito sumunod sa pamamaraan upang ma aprubahan ang kasunduan na ito.
Ang pagiging mapusok ng China sa pag angkin sa mga isla ng panatag shoal paracel islands at kalayaan group of islands ay mas tumindi ng i pull out ng mga amerikano ang kanilang mga sundalo at armas sa ating bansa. Ang scarborough o panatag shoal ang pinaka maliit na groupo ng isla, sumusunod ang paracel islands na pinag aagwan ng bansang China, Vietnam , Japan at ang pinaka malaki ay ang Kalayaan Group of Islands na pinag-aagawan ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia , Vietnam, Brunei, Taiwan at ang pinakamalayo ang bansang China.
1997 nang mag simulang ilagay ng bansang China ang scarborough shoal at Paracel Islands sa kanilang mapa. Simula noon nagkaroon na ng impresyon ang mga mamamayan ng China na pag aari nito ang mga nasabing isla. Gayunpaman 1908 pa lamang ay nakasama na sa bansang Pilipinas ang Panatag Shoal bilang teritoryo nito.
Noong 1900 sa mapa general islas pilipinas observatorio de manilla na ginawa ng US coast and geodetic survey ay nakasama na ang Bajo de Masinloc o Panatag shoal sa ating mapa. Sa mapa ng archipel d’ asie naka sama sa mapa ng pilipinas.
Naging mas matapang ang bansang pilipinas lalo na sa binigay na statement ni president benigno aquino iii. Nag babala ang presidente sa bansang china lalo na at namataan ang isang chinese research ship malapit sa galoc na may layo lamang na 60 milya sa coast ng Palawan.
Ayon sa presidente malamang na kung ano ang mangyari sa vietnam ay mangyari din sa pilipinas kung saan tinutukoy nito ang pattern, ng pag laki ng tension at pag tutunggali sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon sa presidente kailangan umanong magkaisa ang mga bansang myembro ng associations of southeast asian nations o asean na may mga isyu sa bansang china partikular na sa karapatan nito sa mga pinag aagawang territoryo.

Bilateral umano ang nais na pag uusap ng china at mga katunggaling bansa nito kung saan hindi kasama ang international tribunal o alin mang bansa na hindi sangkot sa nangyayaring di pag kakaunawaan.

Ito naman ay mariing tinututulan ng ibang mga bansa dahil ito ay hindi makatarungan lalo na at ang bansang china ang isa sa pinaka malakas na bansa sa buong mundo.

Gayunpaman, iginiit ng presidente na hindi ibig sabihin nito ay lalabanan na ang bansang china gamit ang pwersa militar at pipilitin pa rin nitong maayos ang mga problema sa west philippine sea gamit ang maayos na pakikipag usap.pinag aaralan din ng bansang pilipinas ang pag papalakas sa depensa nito malapit sa mga pinag aagawang isla ng panatag shoal at Kalayaan Group of Islands.


Flash point west philippine sea