Mapalad ang santa rosa national school sa pag kakaroon ng kanilang special program in arts o ang tinatawag nilang spa class dahil hindi lahat ng paaralan sa lalawigan ng nueva ecija ay may ganitong programa para sa mga mag aaral.
Ang spa ay mayroong anim na major o espelisasyon ito ay ang music, visual arts, theater arts, media arts, creative writing at dance.
Ayon kay denis serapio,head teacher iii at spa in-charge, tanging mga piling mag- aaral lamang ang maaaring kumuha ng special class, may markang 83 pataas at may special talents pag dating sa arts.
Dagdag ni serapio ang mga batang papasok sa special class ay kailangang dumaan sa entrance examination at auditions.
Masaya at madaming natutunan si patricia convento, isa sa mga estudyante ng spa major in media arts ng santa rosa national high school.
Para sa patuloy na pag bibigay ng dagdag kaalaman sa kanilang mga spa students ay sumasailalim sa isang seminar ang kanilang mga guro sa baguio tuwing buwan ng mayo na tinatawag na “sanay guro” na isinasagawa ng national comission for culture and the arts o ncca kung saan ito’y kanilang ginagawa sa loob na ng tatlong tao upang lalong mapaganda at mag bigay kaalaman sa mga kabataan.
Ang kanilang spa students ay sumali na din sa iba’t-ibang klaseng kompetisyon tulad ng first regional integrated competition noong nakaraang 2012, kung saan ang ginawang documentary na may titulong “kaibigan” ay nag kampyon.