Umaaray ngayon ang ilang mamimili dahil sa pagtaas ng presyo ng bigas.
Sinabi ng nfa o national food authority na natural lamang daw ang pagtaas sa presyo ng bigas habang nalalapit ang “lean” months.
Simula noong buwan ng disyembre hanggang ngayon ay stable pa umano ang presyo ng bigas ngunit habang nalalapit ang lean months ay nagsisimula ang problema sa supply at demand.
Ngunit ang ilang tindahan dito sa lalawigan ng nueva ecija ay nagtaas presyo na. Isa hanggang dalawang piso kada kilo ang itinaas ng bigas ngayon.
Pumapalo ngayon sa p40-p43 ang regular milled rice, ang well-milled rice naman ay nasa p42-p46, ang ordinary nfa rice ay p27 at ang high quality ay nasa p32 ang bawat kilo.
Inaasahan namang ‘hindi matitinag ang naturang halaga hanggang setyembre na simula ng harvest season.
Nilinaw naman ng nfa na wala pang kinalaman sa el nino ang naturang price increase para sa iba’t ibang uri ng bigas.
Maliban sa lean season, isa rin sa mga factor sa pagtaas sa presyo ng bigas ang mas mataas sa bentahan ng palay mula sa mga magsasaka patungo sa mga rice traders.