Trending ngayon sa social media ang mga reklamo ng mga kliyente ng Bangko De Oro dahil sa mga nawawalang savings account.

Isa na sa mga ito si Christian Keith Ortiz residente ng Camp. Tinio, Cabanatuan City na nagpost sa facebook  patungkol sa hinihinalang unauthorized point of sale transaction. Ayon kay Christian, nang magcheck siya ng kanyang Balance nitong  Dec 29 2017 ay nakita niyang nabawasan ng 34,000 pesos ang kanyang pera sa BDO gayong wala naman aniya syang nagiging withdrawal.

Gagamitin daw sana ito ni Christian sa pagpapagawa ng kanyang bahay ngunit dahil sa pagkakabawas ng kanyang pera ay minarapat na wag na munang gamitin ang kanyang bank account.

Halos dalawang taon ng may account si Christian sa BDO at hindi ito aniya ang unang beses na mawalan sya ng pera sa kanyang bank account.

Imbestigasyon sa pagkawala ng pera, maaring umabot ng 45 – 60 days

Nagpasa na umano ng dispute form si Christian sa  BDO Mega Center kung saan sya nag bukas ng kanyang bank account  patungkol sa pagkawala ng kanyang pera. Ayon kay Christian nais nyang mag sampa ng reklamo ngunit hindi nya alam kung saan, kaya naman sinamahang dumulog  ng team ng unang sigaw si Christian sa Bangko Sentral ng Pilipinas upang humingi ng payo patungkol sa kanyang kaso.  Paliwanag ni Tessa Openiano Bank Officer ng BSP, base sa  standard procedure matapos maghain ng reklamo sa bangko kung saan nagkaproblema, aabutin ng mahigit 45 – 60 days ang imbestigasyon tungkol sa pagkawala ng kanyang pera.

Nagpasalamat naman si Christian Keith Ortiz sa Bangko Sentral dahil sa maagap at magandang pagsagot sa kanyang mga katanungan ng katulad niyang consumer na nagkakaroon ng mga problema sa kanilang mga bangko.

Consumers na mayroong problema sa kanilang mga bangko, maaring dumulog sa  Financial consumer protection department ng BSP

Pinapayuhan rin ng bangko sentral ng Pilipinas na maaring dumulog ang mga complainant sa kanilang Financial consumer protection department. – Ulat ni Amber Salazar