Nakalulula ang laki ng importasyon ng Pilipinas pagdating sa pangangailangan nito sa gatas ng Kalabaw na pumapatak ng mahigit 99%  kaya naman hiling ng Philippine Carabao center na dapat ay  patuloy na palakasin ang industriya ng gatas ng kalabaw sa bansa upang mabigyan din ng pagkakataon ang mga mangangalabaw na umunlad at bumaba na ang importasyon ng gatas sa bansa.

Industriya ng gatas ng kalabaw,  malaki ang maitutulong sa ating magsasaka -PCC

Malaki aniyang industriya ito na dapat ay mga pilipino ang nakikinabang, bilang Rice Capital ng Pilipinas isa rin ang Nueva Ecija sa mga producers ng gatas sa mercado. Hindi basta basta ang laki ng industriya na ito na umaabot ng mahigit 25 Billion namalaki ang maitutulong sa ating mga magsasaka na karamihan ay  maralitang mamamayan.  Sumusunod rin ang  Pilipinas sa standard na itinakda ng Bureau of Food kaya hindi rin pahuhuli an gating bansa pagdating sa kalidad. – Ulat ni Amber Salazar