Grumaduate na ang nasa kabuuang bilang 1,450 estudyante ng Provincial Manpower Training Center o PMTC sa noong lunes, November 20, 2017, alas syete ng umaga, Sa Nueva Ecija Convention Center sa Palayan City.

Ang mga nagsipagtapos ay ang mga kumuha ng kursong bokasyunal sa PMTC. Nasa 949 na estudyante ang mula sa PMTC Cabanatuan City Main Branch, 72 students sa Bongabon branch, 247 students sa san Jose City branch, 106 students sa Guimba branch at 76 students sa Gapan City branch.

Naging panauhing tagapag-salita si Attorney Elerizza Meteoro ng Provincial Human Resources Office ng Nueva Ecija Provincial Government.

Aniya, hindi lamang ang edukasyon ay para sa mga nakakaangat sa buhay dahil sa malaki ang gastos, ngunit hindi na umano kailangan ng mga titulo tulad ng pagiging doktor, abogado, inhinyero at iba pa upang maging handa sa pakikipaglaban sa buhay. Sa malasakit ni Governor Cherry Umali ay nariyan ang PMTC kung saan nagkakaroon ng pagkakapantay pantay sa pagkakataong umunlad ang pamumuhay sa pagkakaroon ng kasanayan at kahusayan sa maikling panahon lamang.

Kabilang sa mga kurso ng PMTC ang Hair Dressing NC II, Beauty Care NC II, Massage Therapy, Dress Making, Tailoring, Computer Literacy Course, Shielded Metal Arc Welding NC II, Electronics Servicing at marami pang iba.

Samantala, nakatakdang magsagawa ng benefit concert ang College of the Immaculate Conception sa lungsod ng Cabanatuan para sa Marawi.

Ang konsyerto ay may pamagat na Rebirth The Legacy Lives On na gaganapin sa Dec. 08, 2017 sa ganap na ala sais ng gabi sa College Of The Immaculate Conception Chapel, Sumacab Este, Cabanatuan City.

Inaasahang magtatanghal sa nasabing konsyerto ang CIC Chorale na nakasungkit ng panalo sa isinagawang kompetisyon sa bansang Austria noong 2005 at sa bansang Germany noong 2011 at ang iba pang mga piling mag aaral mula sa iba’t ibang departamento ng kolehiyo na masusing pinili upang maging bahagi ng konsyerto at makapagtanghal.

Ang halaga ng ticket ay 200 pesos at ang kikitain ng konsyerto ay ilalaan para sa rehabilitasyon ng lungsod ng Marawi. Maaring mabili ang ticket sa CIC campus o kaya ay tumawag sa telepono bilang 0915 584 2643.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran