Back to back champion ang CLSU  Green Cobras at NEUST Phoenix sa men and women’s  division sa volleyball championship ng NECSL  season 6 na ginanap sa NEPPO Gym nitong byernes Nobyembre a-disisyete taong 2017.

Maituturing na “undefeated” ang CLSU Green Cobras sa men’s division mula season 1 hanggang season 6.

Mula elimination round ng season 6 hanggang semis ay napanatili nila ang pangunguna sa kumpara sa ibang koponan. Kung saan, tinanghal na MVP  si Joshua Canosa ng Green Cobras.

Samantala, pagdating sa elimination round ng women’s division ay pumang-apat ang CIC Kings, pumangatlo ang NEUST Phoenix, habang nakuha naman ng Wesleyan University-Philippines Riders ang pangalawang pwesto at nasungkit ng CRT Blue Fox ang unang posisyon.

Mula semis hanggang sa finals ay tinalo na ng  NEUST Phoenix ang lahat ng koponan at nasungkit ang titulo bilang Women’s Division Volleyball Champion ngayong taon. Itinanghal naman na mvp ng Phoenix si Sheena Lou Fabros.

Ayon naman kay Neille, National Referee ng volleyball tournament mahalaga aniya ang mga ganitong uri ng sports para makuha ang atensyon ng mga kabataang nalilihis sa masamang landas, suporta na rin sa adbokasiya patungkol sa war against drugs.

Hinihiling din nito na sana sa susunod na panahon ay magkaroon ng programa para sa mga mas bata pang henerasyon upang pagdating sa kolehiyo ay mapaghandaan ang mataas na uri ng palaro, maipamalas ang kanilang talento sa larangan ng isports.

Ang mga nanalong paaralan ay maghahanda na para sa nalalapit na State Colleges And Universities Athletic Association (SCUAA) ngayong december sa malolos Bulacan.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran