Pinagkalooban ng pamahalaang panlalawigan ang limangpung Cabanatuenong nanlalabo ang mata ng libreng konsultasyon sa pamamagitan ng Malasakit sa Kalusugan Free Optometric Services sa Elj Hospital Cabanatuan City kahapon Oct 23, 2017.

Mga cabanatueno na nasuwerteng napamahagian ng libreng check up at salamin sa mata na programa ng pamahalaang panlalawigan

Ang mga pinagkalooban ng eye check up ay ay mula sa Barangay Sumacab Norte, Barangay Kaingin, Barangay Buliran, Barangay. Daan sarile at Manuel V. Gallego Foundation Colleges Cabanatuan City

Ngayong araw naman ay mabibigyan ng libreng check up sa mata ang mga residente ng Brgy. Solidad Sta. Rosa at mga Walk in Patient.

Ayon kay Doc. Mario Flores , layunin ng programa na mabigyan ng libreng serbisyo sa mata ang mahihirap na mamamayan ng lalawigan

Maliban sa check-up ay pagkakalooban din ng mga libreng salamin sa mata ang mga benepisyaryo, na matatanggap nila sa araw ng huwebes, October 26.

Malaking ginhawa umano para sa mga nabenepisyuhan ang libreng check up at pagkakaroon ng salamin sa mata kaya lubos na nagpasalamat ang mga ito sa Pamahalaang Panlalawigan.

Samantala , para sa nangangailangan ng konsultasyon sa mata ay maaari lamang kayong pumunta sa Elj Hospital at magpalista lamang mula lunes hanggang byernes.

Ang schedule ng check-up ay lunes hanggang martes, ang releasing ng salamin sa mata ay tuwing araw ng miyerkules at huwebes. Ulat ni Phia Sagat