Pinasinayaan ang Negosyo Center sa Palayan City na isang business one stop shop na proyekto ng National Government upang makatulong sa pag lago ng negosyo ng mga lokal na mangangalakal.
Ang negosyo center ay nag aalok ng mga sumusunod na serbisyo:
- Pag bebenta sa mga lokal na produktong gawa ng lungsod o municipalidad.
- Business registration
- Licensing
- Pagbibigay ng impormasyon at seminar sa iba’t ibang klase ng business na maaaring simulan ng mga kooperatiba at mga indibidual na nag nanais mag negosyo.
Ang Negosyo Center Palayan City ay ang pang limang negosyo center sa buong lalawigan ng Nueva Ecija kung saan may naipatayong Negosyo Center na sa Gapan. San Jose , Cabanatuan at Cabiao.
Ang negosyo center ay nakapailalim sa Republic act 10644 o “Go Negosyo Act”, naglalayo ito na mabigyan ng trabaho o negosyo ang isang indibidual sa pag bubuo ng micro, small, medium enterprise. sa katunayan ilan ng mga cooperatiba na ang naglalagay ng kanilang mga produkto upang ibenta sa Negosyo Center ilan dito ay ang

Dragon Fruit Wine ng AMPC

Bignay wine ng Langka Indigenous Farmers and Livelihood Association

Arwa merchandize
Pagkatapos ng pagpapasinaya nito ay dumiretso na agad ito sa MOA signing sa pagitan ng DTI at Palayan City Government.- Ulat ni Amber Salazar