
Kauna unahang CLAARDEC Fiesta ng Central Luzon State University (CLSU)
Itinampok ang isinusulong na produkto na Tila-ding o pinagsamang tilapyang daing sa ginanap na poster ad competiton sa Central Luzon State University (CLSU).
Ito ay bahagi ng kauna-unahang fiesta ng Central Luzon Agriculture, Aquatic and Resources Research Development Consortium (CLAARDEC) na binubuo ng mga ahensya at eskwelahan sa buong gitnang Luzon.
Nagpasiklaban ang tatlumpu’t isang kalahok na mula sa senior highschool at kolehiyo sa iba’t-ibang disenyo at creative style ng posters na nilakipan ng witty tagline ng Tilading.

Mga iba’t-ibang disenyo ng posters na nilakipan ng witty tagline
Ang mga nanalo ay nakatanggap ng P3,000 sa itinanghal na Champion, P1,000 naman sa 2nd runner up at P500 sa 3rd at 4th runner up plus certificate.
Ayon kay Janet Saturno Director ng CLSU Gender and Development Office, layunin ng naturang kompetisyon na makilala ang espesyal na Tilla-ding na pinakabagong produkto at imbento ng CLSU.
Para naman kay Mara Valimento, isa sa organizer, hangarin rin ng eskwelahan na mapalawak ang market nito at tangkilikin ang sariling produktong Novo Ecijano.

Director Janet Saturno, Hurado din ng AGRISARAP Cookfest bukod pa sa TILADING poster ad competition
Hinikayat naman ni Dr. Matilde Melicent Recto Program Leader ng Community and School-based Agri-Fisheries Advocacy towards Livelihood and Start-up Enterprise Development, na tangkilikin din ang susunod nilang tv advertisment ng Tipading na gaganapin sa buwan ng Nobyembre sa SM Cabanatuan.