Pormal nang ipinakilala sa mga tagapakinig ang 106.5 UMFM Radio Station na matatagpuan sa Palayan City at maririnig sa kalakhang Central Luzon.

Sa ginanap na launching noong September 30, 2017 sa NE Pacific Mall Cabanatuan City, isa-isang humarap sa mga manonood ang mga disc jockey ng iba’t ibang programa.

Sinuportahan ng mga fans sa pangunguna ng UMFM Clan at Istilong Pinoy ang launching ng 106.5 UMFM Radio Station.

Nagbigay-buhay at nagpasaya sa palatuntunan ang pagtatanghal ng mga talentadong DJ kasama ang Alunzina Band. Dinaluhan ang pagtitipon ng mga tagasuporta ng lokal na istasyon sa pangunguna ng UMFM clan at Istilong Pinoy.

Ang UMFM ay pinangungunahan ng Station Manager na si Nonoy Gobrin, habang pag-aari at pinatatakbo naman ito ng DWNP company.

Mula Lunes hanggang Byernes, sumasahimpapawid sa ere ang mga programang Trending to the Max, Easy Lang, Byahe,Give Way to Jesus, Tunog Kalye, I Love Yow at Song Bird On Air. Tuwing Sabado at Linggo naman mapakikinggan sa ere ang Sweet Memories, Mr. Romantiko at Sentimental Sunday.- ulat ni Amber Salazar