Ginawaran ng parangal na “Dangal ng Kabataang Novo Ecijano – Special Citation of Excellence”. ang Anak ng Cuyapo na si Aries Toledo ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Czarina Umali sa ginanap na Awarding Ceremony ng The Outstanding Young Novo Ecijano o TOYNE 2017 noong September 14 sa Sierra Madre Suites, Palayan City.

Tinanggap ng 2017 SEA Games Decathlon Champ na si Aries Toledo ang parangal na “Dangal ng Kabataang Novo Ecijano – Special Citation of Excellence” mula sa pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Czarina Umali.
Isang malaking karangalan ang naiuwi ni Toledo hindi lamang sa lalawigan ng Nueva Ecija ngunit pati na rin sa buong bansa matapos nitong masungkit ang gold medal sa larangan ng decathlon at bronze medal sa larangan ng 4 by 400 meters men’s relay sa katatapos na 29TH SEA Games na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Sa panayam ng TV48 kay Toledo, ibinahagi niya ang kanyang pinagdaanan sa nakaraang palaro.
Samantala, matatandaan na nauna ng pinagkalooban ng gawad parangal at P100,000 si Toledo ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Czarina Umali. Ayon kay Toledo, malaking tulong sa kanila ang natanggap na cash incentive na kanyang gagamitin sa pagpapagamot ng kanyang ina na may sakit.
Lubos rin ang pasasalamat ni Toledo sa lahat ng nagpakita ng suporta para sa kaniya. Dagdag pa niya, ito ang nagbigay sa kanya ng pag-asa upang makuha ang panalo na inialay niya para sa boung bayan.