
E. DE LUNA CONSTRUCTION, 5 TAONG TUTULONG SA REHABILITASYON NG MGA LANDSLIDE PRONE AREA.
Mas marami ng heavy equipment ang nai po-poste ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) sa mga lugar na prone sa landslide dahil katuwang na ng Department of Public Works and Highways ang E. De Luna Construction.
Magkatuwang na nag nag po-poste ng mga heavy equipment sa mga landslide prone areas ang E. De Luna construction at PDRRMC upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan lalo na sa panahon ng kalamidad.
Ayon sa kontrata ng E. De Luna Construction sa National Government through DPWH aabot sa limang taon ang pakikipag tulungan ng E. De Luna Construction sa konstruksyon mula sa boundary ng Bulacan hanggang boundary ng Nueva Viscaya sa rehabilitasyon ng mga landslide prone areas sa lugar. Isa ang Nueva Ecija sa sakop ng E. De Luna Construction at matatandaan na naka poste ang mga heavy equipment ng PDRRMC na pinamumunuan ni Governor Cherry Umali sa mga landslide prone areas katulad ng Gabaldon, Laur at Carranglan.
Ani ni Abe Pascua, advisor ng PDRRMC may sapat na kahandaan ang ahensya sa kasalukuyang dumarating na mga bagyo na taon-taon nararanasan ng lalawigan ng Nueva Ecija mula Setyembre hanggang Nobyembre.

Bukod sa mga bagyo at binabantayan din ang buhos ng ulan na dala ng habagat na nagiging dahilan naman upang bahain ang mga low lying areas sa lalawigan katulad ng ilang barangay sa Cabanatuan City
– Ulat ni Amber Salazar