Umabot sa dalawang daan at limampung grocery packs ang natanggap ng mga Senior Citizens at kababaihan ng Brgy. Ligaya, Gabaldon, Nueva Ecija, sa ginanap na pagdiriwang ng Unang Anibersaryo ng Ligaya Zumba Fitness Club noong linggo, Sept. 10, 2017.

Ayon kay Tessie Balae, pangulo ng Ligaya Zumba Fitness Club, layunin ng kanilang grupo na hindi lang makatulong sa aspetong pangkalusugan kundi pati na rin sa pangangailangan ng kanilang mga ka-barangay.

Labis ang kanilang pasasalamat sa suporta ng Provincial Government sa pangunguna ni Gov. Cherry Umali, First Gentleman Atty. Oyie Umali at Cabanatuan City Vice Mayor Anthony Umali sa kanilang adhikain na makapaghatid ng ligaya sa mga mamamayan.

Bukod sa Gift Giving ay naghatid na rin sila ng iba’t-ibang community services at charity works sa tulong ng gobyerno at mga pribadong sektor. –Ulat ni Danira Gabriel