Napuno ng iba’t ibang libreng serbisyo, gamot, seedlings, fruit bearing trees at marami pang iba ang Malasakit Caravan na handog ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga Cabanatueño bilang parte ng selebrasyon ng 121th Celebration ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija. Iba’t ibang departamento ang nakiisa kung saan ang bawat isa ay may handog na serbisyo o regalo sa mga dumalo
Ikinatuwa ng mga Cabanatueño ang pag buhos ng serbisyo ng Malasakit Caravan na Programa ng Pamahalaang Panlalawigan na ginanap sa Freedom Park Cabanatuan city bilang parte ng ika-121 Unang Sigaw ng Nueva Ecija.

IBA’T IBANG DEPARTAMENTO NG PROVINCIAL GOVERNMENT NAKIISA SA MALASAKIT CARAVAN
Nagbigay ng libreng Flu Vaccine sa mga Senior Citizen at Libreng pap smear sa mga kababaihan. Gamot at iba pang mga serbisyo para sa mga Cabanatueño ang Provincial Health office. Jobs Fair para sa mga naghahanap ng Trabaho at marami pang iba.
Nagbigay din ng Legal Advice at seminar para sa pag gawa ng sabon at donut making para sa mga nagnanais mag simula ng negosyo.
Hindi rin mawawala ang mga serbisyo katulad ng free repair ng mga appliances, manicure at pedicure, libreng masahe at gupit ng buhok. Nagpamahagi ng ibat ibang Seedlings ang Provincial Argriculture office katulad ng kamatis, kalabasa, sili at iba pa na maaaring itanim sa likod bahay. Na hindi bababasa 200 seedlings per municipality ang naipapamahagi.
Nagbigay din ang Environment and Natural Resources Office ng fruit bearing tree seedlings na ang layunin ay magkaroon ng mapagkukunang sariwang prutas at makatulong na rin sa pag laban sa global warming. Mahigit nasa 4,000 seedlings na ang naipamigay ng ENRO sa ibat ibang municipalidad na iniikot ng Malasakit Caravan.

IBA’T IBANG SERBISYO NG SERVICE CARAVAN, TINANGKILIK NG MGA CABANATUEÑO
Ikinatuwa naman ng mga Cabanatueño ang Malasakit Caravan dahil sa mga serbisyo , libreng gamot at tulong na hatid nito, nagpamahagi din ng grocery bag sa mga dumalo na patok sa mga Cabanatueño – Ulat ni Amber Salazar