Nilahukan ng mahigit dalawang daang siklista ng lalawigan ng Nueva Ecija ang Sikad Novo Ecijano 2017 bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Unang Sigaw, na ginanap sa Freedom Park Del Pilar St. Cabanatuan City.
Ayon kay Purificasion Jumaquio,Ssports and Game Inspector 1 ng Nueva Ecija, layunin ng patimpalak na magkaisa ang bawat siklista at mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng Novo Ecijano na makasali dito.
Nagpasalamat ito sa lahat ng lumahok ngayong taon at sa patuloy na pagsuporta sa programa ng Provincial Government.
Hinati sa apat na kategorya ang palaro, ang junior at senior na umabot sa 75 km ang itinakbo habang ang amatuer at master naman ay nasa 132 km.
Ang mga nagwagi sa bawat kategorya para sa 3rd place ay nakakuha ng limang libong piso at tropeyo sa 2nd place naman ay sampong libong piso at trophy at sa 1st place ay nag uwi ng labing limang piso at tropeyo.
Pinarangalan din ang pinakabata at pinkamatandang lumahok na nakatanggap ng medals.
Habang ang mga di pinalad na manalo ay nakakuha din ng consolation prize
Sa panayam naman ni John kim Nacino na nagmula pa sa bayan ng Sto Tomas Aliaga, masaya siya dahil nakuha niya muli ang 1st place sa kategoryang amateur.
Dagdag pa niya noong 2013 at 2014 ay nag champion na din siya sa naturang palaro.
Nagpapasalamat din siya sa ina ng lalawigan Czarina Domingo Umali at kay Vice Mayor Doc Anthony Umali. -Ulat ni Phia Sagat