Ibinaon sa Valle Cruz Open Dumpsite gabi ng August 29 ang isang dump truck ng basura na naglalaman ng mga patay na sisiw, balahibo ng manok at itlog ng hindi ito payagang dumaan sa La paz tarlac papunta sana sa Sanitary Landfill sa Capaz, Tarlac.

Basurang hinakot ng Metro Clark sa Cabanatuan City na may lamang patay na sisiw, balahibo ng manok at itlog hindi tinaggap sa La paz Tarlac
August 28 Lunes ng gabi ng makita na may lamang nabubulok na sisiw, balahibo ng manok at itlog ang basura na dala ng Metro Clark Waste management Corporation , hindi pinayagan na dumaan sa La Paz Tarlac ang Dump truck na inilagak naman sa isang bakanteng lote sa boundary ng Zaragoza. Kumuha agad ng sample na tinest kung positibo sa Birdflu ang mga patay na sisiw kung saan lumabas na negatibo sa bird flu ang mga manook na dala ng dump truck.
Agad na nagsagawa ng meeting ang Bureau of Animal Industry, Department of Agriculture, Local Government of Zaragoza, Office of the Civil Defense, PDRRMC, Metro Clark, Cabanatuan City CDRRMO at Provincial Veterinary office upang maayos na ma dispose ang mga patay na sisiw, itlog at balahibo ng manok na kumatas na sa basurang kahalo nito.

Mga kargang patay na sisiw, nag negatibo sa Bird Flu
Hindi pumayag si Mayora Lovella Belmonte-Espiritu na basta na lamang idaan sa Zaragoza ang Dump truck dahil sa nakapasok ang Zaragoza sa 7 km. Quarantine kung saan ipinagbabawal ang pag labas ng ano mang hayop na may pakpak sa loob ng quarantine zone.
Amoy na rin ang nabubulok na basura at sisiw at tumatagas na rin ito. Dahil malapit sa tubig at hindi rin pumayag ang may ari ng lupa na ibaon dito ang basura bukod pa sa hindi maaaring sunugin ito ay napagkasunduan na ibalik kung saan nanggaling ang mga basura at sila ang mag dispose dito.

PDRRMC, MDRRMC at mga kapulisan, nagbantay sa Dumptruck bago ito ibalik sa Cabanatuan City
Nag bantay ang Municipal Risk reduction Management council ng Zaragoza, Provincial Disaster Risk Reduction Council ng probinsya at mga kapulisan mula ng matapos ang meeting ng alas 5 ng hapon hanggang sa itinakdang oras para ibalik ito sa Cabanatuan city, hinintay muna na mag gabi para mas kakaunti lamang ang makalalanghap at tao sa kalsada sa oras na ibalik sa Cabanatuan city ang dump truck.
Ineskortan din ng pulisya ang truck, kasama ang ibat ibang ahensya ng gobyerno katulad ng PDRRMO, CDRRMO ng Cabanatuan, Provincial Veterinary Office, Bureau of Animal Industry at isang Fire truck na mag spray ng disinfectant sa dadaanan ng truck.

Fire Truck na nag i-spray ng disinfectant, naubusan malapit boundary ng Cabanatuan at Sta. Rosa.
Gayunpaman pagka lagpas ng sta rosa ay sumenyas na ang mga bumbero na paubos na ang tubig ng tangke. Sa pag daan sa Vergara highway ay may tagas pa rin ang dump truck na sinusundan ng convoy. Pasado alas dyes na ng gabi ng makarating sa Valle Cruz dumpsite ang dumptruck kung saan nilagyan ng hukay ang itaas ng dumpsite sa pagtapon ng basura dito na tumambad ang mga patay na sisiw at mga itlog din na ang ilan ay buo pa. Nagpaalala rin ang PDRRMC na kailangan ay maging responsible ang mga nagtatapon ng basura at maging mapanuri sa mga kinukuhang basura. -Ulat ni Amber Salazar