Dinayo ng mga estudyante ang laro ng NEUST Phoenix kontra sa defending champion WUP-Riders nang magharap ito sa unang araw ng quarter finals ng NECSL Season 5 Men’s Basketball Tournament.

Tinambakan ng NEUST Phoenix ang WUP Riders, 98-57, sa 1st day ng Quarter Finals ng NECSL Season 5 Men’s Basketball Tournament. Pinangunahan ni Poblete jersey #17 ang laban na nagtala ng 21 points, 3 rebounds, 2 assists at 2 steals.

Tinambakan ng NEUST Phoenix ang WUP Riders, 98-57, sa 1st day ng Quarter Finals ng NECSL Season 5 Men’s Basketball Tournament. Pinangunahan ni Poblete jersey #17 ang laban na nagtala ng 21 points, 3 rebounds, 2 assists at 2 steals.

   Matinding depensa ang ipinamalas ng Phoenix kaya naman ang Riders, hirap makakuha ng pagkakataon na maka-iskor hanggang umabot sa 12 puntos ang lamang nito sa 1st quarter.

   Ngunit agad na bumawi ang GJC hanggang sa bumaba sa 4 na puntos ang lamang ng Phoenix, 23-19 sa pagtatapos ng 1st quarter.

   Pagsapit ng 2nd quarter, tumamlay na ang mga manlalaro ng Riders. Sinamantala ng Phoenix ang pagkakataon na makapuntos na umabot sa 17 puntos ang lamang ng Phoenix sa pagtatapos ng 1st half, 44-27.

   Nagtuluy-tuloy pa ang pag-arangkada ng puntos ng Phoenix sa 3rd quarter. Mas lumobo pa sa 37 puntos laban sa Riders, 72-35.

   Sa last quarter ng laban, tuluyan ng iniwanan ng Phoenix ang Riders. Tinambakan na ito ng 41 puntos sa pagbibida ni Poblete jersey #17 na umukit ng 21 points, 3 rebounds, 2 assists at 2 steals.

   Sa pagkatalo ng Riders, kapansin-pansin ang pagkawala ng dalawang star palyer nito na sina Ingusan at Del Prado.

   Ayon sa kanilang coach na si Jojo Calderon, inaasahan na niya na madedehado ang kanilang koponan ngayong quarter finals dahil sa nasabay ito sa examination week at intramurals ng kanilang mga manlalaro sa darating na linggo.

CIC Kings, tinalo ang GJC Generals, 91-77 sa pagbibida ni jersey #10 Jejillos.

CIC Kings, tinalo ang GJC Generals, 91-77 sa pagbibida ni jersey #10 Jejillos.

   Samantala, todo hataw ang CIC Kings sa ginanap na laban kontra sa GJC Generals. Dikit ang laban mula 1st hanggang 3rd quarter.  Ngunit pagdating ng last quarter, kinapos na ang GJC Generals at bigong talunin ang Kings, 91-77. Best player of the game si Jejillos jersey #10 na nagtala ng 24 points, 5 rebounds, 6 assists, at 2 steals.

CLSU Green Cobras, wagi kontra MV Gallego Ambassadors, 87-78.

CLSU Green Cobras, wagi kontra MV Gallego Ambassadors, 87-78.

   Wagi rin ang CLSU Green Cobras laban sa M.V. Gallego, 87-78. Sa pangunguna ni Balmores jersey #6 na gumawa ng 23 points, 2 rebounds, 2 assists at 2 steals, nakuha ng Green Cobras ang unang panalo sa Quarter Finals. –Ulat ni Shane Tolentino