Nagpasa ng resolusyon ang PDRRMC sa pangunguna ni Governor CherryUmali na nagrerekomenda sa Sangguniang Panlalawigan na ideklara na ‘in state of calamity’ ang mga bayan ng Jaen at San Isidro. Ito ay bunsod ng resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Bureau of Animal Industry sa mgaspecimen ng isang poultry farm sa Brgy. San Roque, San Isidro gayundin sa isang quail farm sa Brgy. Imbunyan, Jaen, Nueva Ecija.
Sa resulta ng pagsusuri, lumabas na positibo sa birdflu virus ang dalawang farms sa mga nasabing barangay. Sa ginanap na pagpupulong ng PDRRMC, alas kwatro ng hapon August 19, 2017 sa Old Capitol, Cabanatuan City, inilatag ni PDRRMO Chief Michael Calma ang mga paghahandang isinagawa at gagawin pa ng Provincial Government upang masawata at maiwasan ang patuloy na pagkalat ng virus sa iba pang mga lugar sa ating lalawigan.

7 kilometer radius zone mula sa tinatawag na ‘ground zero’ o lugar na direktang pinagmulan ng mga hayop na natagpuang infected ng virus, under quarantine
Pangunahin na rito ang pagtukoy sa ‘containment zone’ kung saan hindi na hahayaang makalabas at makapasok pa ang anumang ‘feathered animals with wings’. Ito ang 1 kilometer at 7 kilometer radius zone mula sa tinatawag na ‘ground zero’ o lugar na direktang pinagmulan ng mga hayop na natagpuang infected ng virus
Sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA), Department of Health (DOH), PNP at AFP, ang Pamahalaang Panglalawigan ay sinusunod ang mga patakaran ng pagsawata sa birdflu virus na nakasaad sa ‘Manual of Procedures’ na ipinatutupad ng DA sa pamamagitan ng Bureau of Animal Industry.Sa pagpupulong ng PDRRMC, nilinaw ni Dr. Benjamin Lopez at Dr. Jun Romero ng Provincial Health Office at Provincial Veterinary Office, ang kahalagahan ng kaukulang pag-iingat ng mga mamayan sa pagpeprepara at pagkain ng mga poultry products. Dagdag pa ni Dr. Lopez, avian influenza free ang ating mga mamamayan at walang senyales na ang birdflu virus ay nakakalipat mula sa mga hayop papunta sa tao. – Ulat ni Amber Salazar