Lumabas sa accomplishment report ng Philippine Drug Enforcement Agency sa first quarterly meeting ng Provincial Peace and Order Council para ngayong 2017 na umaabot sa 693 barangays ng Nueva Ecija ang apektado ng illegal na droga.
Base sa ulat ni Intelligence Officer III Rowel Calayan, Provincial Officer, PDEA RO III, katumbas ng 83% ang affected, out of 849 barangays habang 156 naman ang unaffected ng drugs.
Resulta ng dami ng mga apektadong lugar, kinokonsidera ang lalawigan na isa sa mga sentro ng kalakalan ng shabu at plantasyon ng Marijuana.

Ang mga miyembro ng Provincial Peace and Order Council sa ginanap na first quarterly meeting for 2017 sa Sierra Madre Suites, Palayan City.
Nakapagtala ang PDEA ng 14, 588 Total Number of Drug Personalities kung saan 11, 083 rito ang sumurender, 96 ang naaresto at 3, 401 ang nasa List of Active Drug Personalities.
As of June 29, 2017 nakapagsagawa na ng 704 operations sa probinsiya at nakahuli ng 326 na kataong may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot. Tinatayang nasa Php1.5-Million ang kabuuang halaga ng shabu at Marijuana ang nasamsam.
Napag-alaman na karaniwan ang bentahan at paggamit ng droga tuwing may mga okasyon o pagdiriwang at sa mga pampublikong lugar ito nagaganap.
Samantala, patuloy namang isinusulong ng PDEA ang kampanya laban sa illegal na droga sa barangay level.- ulat ni Clariza de Guzman