Pag-asa ang hatid ng programa ng Bahay Pagbabago ng NEPPO sa drug surrenderers.
Sa testimonya ni Reliante Reyes inilahad nito ang pasasalamat sa kapulisan, mga kawani ng gobyerno at Ako ang Saklay Center na nagmalasakit at nagtiyaga sa kanila dahil ang mga ito ang nagsilbi nilang inspirasyon sa pagbabagong-buhay.

Ang 26 na graduates ng 2nd batch of 34-day reformatory program ng Bahay Pagbabago ng NEPPO.
Si Reyes ay pangulo ng dalawampo’t anim na 2nd batch of reformist na nagsipagtapos sa ilalim ng tatlumpo at apat na araw na reformatory program ng Bahay Pagbabago ng Nueva Ecija Provincial Police.
Bilang isang magulang naman ng isang dating nalulong sa droga, kagalakan ang nadarama ni Amado Perez. Payo nito sa pamilya ng mga surrenderers na bantayan at suportahan ang mga ito upang magkaroon ng saysay ang kanilang mga dinaanang pagsubok at makaiwas na sa tukso ng ipinagbabawal na gamot.
Katuwang ng NEPPO sa nasabing programa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, Provincial Anti-Drug Convenors, TESDA, DOH, and Pastors from different religious sector. – Ulat ni Clariza de Guzman