Nag-alok ng trabaho ang Tatlumpu’t-Isang kompanya sa mga Novo Ecijano sa ginanap na Job Fair kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day sa Freedom Park,  Cabanatuan City na proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Cherry Umali at Atty. Oyie Umali.

Dumagsa ang mga Novo Ecijano sa Labor Day Job Fair na ginanap sa Freedom Park, Cabanatuan City.

Nagbigay ng bagong pag-asa sa mga Novo Ecijano na naghahanap ng trabaho ang Labor Day Job Fair na ginanap sa Freedom Park lungsod ng Cabanatuan.

Dalawampu’t dalawang lokal na kompanya at siyam na overseas employment agency ang nagbukas at nagbigay ng pagkakataon sa mga job seekers na magkaroon ng mas magandang oportunidad.

Isa si Erika Ronquillo sa mga aplikante na nagbakasali na makakuha ng trabaho, agarang pumunta si Erika ng mabalitaan sa Facebook na may Trabahong Umali Job Fair sa Freedom Park, Cabanatuan City.

Aniya, malaking tulong ang naturang programa para sa tulad nyang Fresh Graduate na makahanap agad ng mapapasukang trabaho.

Ang naturang proyekto ay handog ng pamahalaang panlalawigan para sa mga Novo Ecijano katuwang si Nueva Ecija Provincial Peso manager Maria Luisa Pangilinan, kasama pa ang ibang Peso Managers sa buong lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon kay Pangilinan, layunin ng isinagawang Job Fair na matulungan ang mga Novo Ecijano na magkaroon ng magandang trabaho.

Dagdag pa nito, nagpapasalamat siya dahil naging matagumpay ang Job Fair at sana ay maraming aplikante ang natanggap.

Naging panauhing pandangal si 4th District Board Member Jc Patiag, dumalo rin ang mga kawani at opisyal ng mga tanggapan ng DTI, DOLE, POEA at PAGIBIG. -Ulat ni Majoy Villaflor