Sa dalawamput tatlong mga kandidata’t kandidato na nagpatalbugan sa pagrampa, ay kapwa napagtagumpayan nina candidate no. 4 at 7 na sina Arvin Baylon at Paulynne Araojo ang korona bilang Mr. and Ms. CRT 2015, kung saan kapwa rin nila nakamit ang Best in Uniform.
Maliban sa Best in Uniform, hinakot ni Araojo sa female category ang mga awards na Best in National Costume, Best in Casual Attire, Best in Formal Attire, Ms. Photogenic at Best in Production number.

Nagpaligsahan sa pagrampa ang dalawamput tatlong mga kandidato at kandidata ng CRT o College of Research and Technology, kung saan itinanghal bilang Mr. and Ms. CRT 2015 sina Arvin Baylon at Paulynne Araojo.
Nasungkit kapwa nina Mark Jayson Cordova, na nag-uwi rin ng People’s Choice award, at Ricamil Velasquez ang 1st runner up.
Nakamit nina Rhogie Salonga at Jessica Gamotea ang 2nd runner up, kung saan naiuwi din ni Gamotea sa female category ang award na Ms. Body Beautiful.
Naiuwi naman nina Jayson De Vera at Anna Shiela Santos ang 3rd runner up, habang hinakot din ni De Vera sa male category ang mga awards na Best in National Costume, Best in Casual Attire, at Mr. Body Beautiful, at nakuha ni Santos sa female category ang People’s Choice award.
Nabingwit naman bilang 4th runner up sina Harley Reyes at Adlanyer Dizon, habang nakuha din ni Reyes sa male category ang mga awards na Best in Formal Attire, Mr. Photogenic, Mr. Congeniality at Best in Production number.
Bagaman hindi pinalad na makapasok sa top 5 si female candidate no. 12 Michelle Bermudez ay naiuwi naman nito ang award na Ms. Congeniality._Ulat ni Shane Tolentino