Dinaluhan nina Governor Cherry Domingo at Atty. Aurelio Matias Umali ang ang ipinagdiwang ng Central Luzon State University sa ginanap na Solead 2017 o Student Organization Leaders For Excellent Action Towards Development.

Solead 2017,  Student Organization Leaders For Excellent Action Towards Development, dinaluhan nina Governor Cherry Domingo at Atty. Aurelio Matias Umali

Nagbahagi ng ekspiryensa at karanasan si Atty. Oyie Umali patungkol sa kaniyang pinagdaanan at masusing pagtityaga sa pag-aaral sa pagtungtong nito sa kolehiyo at sa pagkuha ng kursong kaniyang napili.

ATTY. AURELIO MATIAS UMALI, NAGBAHAGI NG  EKPIRYENSA SA KANIYANG MASUSING PAGTITYAGA SA PAG-AARAL

Kaya naman para sa kanya importante na maging masikap ang mga kabataan sa pag-aaral sa panahon ngayon at makapagtapos ang mga ito sa kanilang mga kursong napili upang maging daan ito sa pag-ganda ng kani-kanilang mga buhay sa darating na panahon.

Mula naman sa Ina ng Lalawigan Governor Cherry Domingo Umali importante sa pagiging leader na sundin ang mga batas na dapat sundin at dapat na sa bawat desisyon ay masusing pinagiisipan at higit sa lahat ay magkaroon ng malasakit sa bawat isa.

Nakikita rin aniya sa mga mag-aaral ng Central Luzon State University na marami sa mga ito ang mayroong potensyal na maging susunod na Leader sa Lalawigan ng Nueva Ecija.

Dagdag pa ni Former Governor Oyie, na sa kabila ng kahirapan hindi ito dapat na maging hadlang para hindi ipagpatuloy ang pag-aaral sapagkat para sa kaniya ang edukasyon ang isa sa pinakamahalagang bagay sa buhay ng isang tao. –Ulat ni Myrrh Guevarra.