Isa-isang malugod na tinanggap ng labing apat na kooperatiba ang tseke na nagkakahalaga ng P100,000 mula sa Manila Water Foundation, sa ilalim ng kanilang Kabuhayan para sa Barangay Program, na ginanap sa flag raising cermony ng Kapitolyo noong lunes, April 17, 2017.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Provincial Government ng Nueva Ecija sa pangunguna ni Gov. Cherry Umali at sa pamamagitan ng PCEDO o Provincial Cooperative And Economic Development Office.

Ang Kabuhayan para sa Barangay Program ng Manila Water ay tumutulong sa mga kooperatiba sa bansa, sa paraan ng pagpapahiram sa kanila ng puhunan na walang hinihinging interest o tubo, sa loob ng isang taon na may tatlong buwan na grace period.

Ayon kay Carmela Rosal Program Manager ng Manila Water Foundation, sa ikalawang pagkakataon ay muli nilang pinili ang Nueva Ecija dahil sa mahusay na pamamalakad at pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapatupad ng kanilang programa.

Dagdag pa niya, bukod sa pagbibigay ng soft loan, hatid din ng Manila Water Foundation ang pagsasagawa ng mga trainings and seminars sa mga miyembro ng bawat kooperatiba upang lalo pang mapalawak ang kanilang kaalaman sa pagpapalago ng negosyo.

Kabilang sa labing apat na nabiyayaan ng soft loan ay ang mga sumusunod:

  1. Nueva Ecija Federation of Dairy Carabao Cooperative
  2. Nueva Ecija Seed Growers MPC
  3. Kawanggawa Primary MPC
  4. Haranista Small Farmers MPC
  5. Bagong Buklod Multi-Purpose Cooperative
  6. Kalikid Norte Producers Cooperative
  7. City Employees Credit Cooperative And Allied Services
  8. Kabyawan Multi-Purpose Cooperative
  9. Bagong Lipunan Multi-Purpose Cooperative
  10. Kapitbahayan sa A. Mabini Producer Cooperative
  11. Llajoda Transport Service Cooperative
  12. Magsasaka ng Barangay Vega Producers Cooperative
  13. Bongabon East Farmers and Fisheries Service Cooperative
  14. Pinagpanaan Primary Multi-Purpose Cooperative

Sa pahayag ni Elvie Ronquillio-Head ng PCEDO, ang kanilang ginagawang pagtulong sa mga kooperatiba sa pamamagitan ng pagbaba ng mga makabuluhang programa ay bahagi na ng kagustuhan ng Ina ng Lalawigan Gov. Cherry Umali na maiparamdam sa mga Novo Ecijano ang malasakit na totoo.

Tinutukan din aniya ngayon ng kanilang opisina ang paggabay sa mga bagong kooperatiba, upang lalo pang dumami ang koop sa probinsiya. Kung saan hangad ng Provincial Government na ang lalawigan ang susunod na “Cooperative Capital ng Pilipinas.” –ULAT NI DANIRA GABRIEL

https://youtu.be/XwLZk3Y9BuM